Isusulat ko sana tong message kaso nung nasimulan ko ang dugyot pala ng sulat ko, kaya eto
encoded AHAHHAHAH katamaran amp, pero no joke dugyot yung sulat ko "Happy Birthday" pa nga
lang hindi na maayos. 😂
Eto na teh, Thank you for being a friend or best friend? AHAHHAHA, nalimutan
ko na kelan tayo naging close pero buti na lang nu, si Lord siguro gumawa ng paraan. Dati
hindi lang tayo masyadong close kahit nung 1st year.
It's nice meeting you no joke, ang saya mo kausap, andaming chismis, andaming kababalaghan
nangyari, ang random nu lahat ng mga nangyayare.
Pero yung pinaka gusto ko sayo as a friend is lagi kang andito para sakin,
hindi lang sakin sa mga friends mo rin. Hindi lang naman ako yung friend mo diba, madami
rin.
Ako rin madaming friends pero hindi nila ako naiintindihan kasi lagi ko silang kinukupal e,
pero may mga times rin na naiintindihan nila ako siguro, pero hindi lang talaga nila alam
kung seryoso ba ko lagi o hindi kasi nga kupal ako HAHAHHA.
Thank you Trisha, sana hindi mawala tong friendship natin.
Okay lang kahit friends nlng tayo nu? Chariz ayaw ko! Gusto ko best friends! Hindi ako
papatalo sa mga kaibigan mo, dapat ako ang THE BEST para sayo AHAHAHHAH lala amp. 🏆
Yun nga, 21 ka na nu! Antanda mo na boi. Sunod ako sa July kaso antagal pa
e, ate muna kita. 👵
Sobrang haba na ata ng message ko na to AHAHAH. Thank you sa mga time na down na down ako,
thank you sa pag comfort, thank you sa pag intindi, thank you kasi minsan sinasabayan mo
kahit alam kong naiinis ka na hindi ko lang talaga matigilan manginis, sakit ko na ata to
teh, sorry and thank you. 🥹
Wishing you a happy birthday and a healthy life and to your family too! 💖
Yung ano pala, yung poem nakalimutan ko teh hindi ko pa na edit huhu, nagalas kasi boses ko
AHAHAH,
pede pa ba? para sa poem yung earbuds na gift ko sayo e kaso nakalimutan ko hindi ko pa pala
na edit
Thank you and Happy Birthday, brooooo. 🎉🎂🌷
Hindi lang yun, teh. Alam kong namimiss mo si lolo mo at gusto mo talaga
siyang makita lalo na’t
birthday mo. Iba pa rin kasi yung saya kapag yung mahal mo sa buhay andun kasama kang nagce-celebrate
diba? kahit simpleng handa lang.
Naiintindihan kita teh. valid yung nararamdaman mo kaya sinasabi mong “normal day lang” para hindi
masyadong masakit. Pero ang totoo, gusto mo lang maramdaman na kumpleto yung araw mo, and that’s okay.
Proud si lolo mo sayo kahit hindi mo na siya nakikita, lagi ka pa rin niyang binabantayan. Kung naririnig
mo lang siya ngayon, malamang sasabihin niya sayo na “kayang-kaya mo yan Trisha” mas pipiliin ni lolo mo
na makita kang masaya kaysa malungkot ngayong birthday mo. Nasa magandang lugar na siya, at panatag
siyang lumalaban ka araw-araw.
At kung may times na bigla kang malulungkot, okay lang. Hindi ibig sabihin nun mahina ka, ibig sabihin
lang non na mimiss mo siya kasi mahal mo siya. Kaya celebrate mo pa rin kahit papaano, kahit maliit
lang, kumain ng gusto mo street foods fav mo diba? mag-blow ng candle bigyan sana kita cake tas hampas
ko sayo kaso masyado na ata yun AHAHAHHA sorry, pag-pray mo rin si lolo mo kahit sandali lang, o
magkwento ng favorite memory niyo. Gawin mo yun as a way of keeping him close.
Happy Birthday, Trisha. Andito lang ako palagi ha, kami pala andito lang kami palagi. Kung gusto mong
umiyak, mag-vent, o magkwento tungkol kay lolo mo message mo lang ako. Isang mahigpit na yakap teh.
Labyu bespren. Peace out pinakacool na klasmeyt.